I
![]() |
Boracay |
Isang karangalan, maglingkod sa bayan,
Ang ako’y mamatay sa isang bakbakan.
Magdalawang-isip ay hindi gagawin,
Nang mapaalis ang mga umaangkin.
II
Bayan ko’y mayaman, sa tubig, sa lupa’t,
Sa mga mineral at hayop sa gubat.
Magagandang lugar, mga lawa’t dagat
Gayundin sa mga halaman sa gubat.
III
Magagandang lugar, atin na’t pasyalan,
Libutin ang ganda at yaman ng bayan.
Ngunit sa paglibot nitong ating bayan,
Atin ding ingatan at pangalagaan.
IV
Parang isang perlas na kaibig-ibig.
Ito ang bayan na tunay ang gayuma.
Maraming dayuhan ang nahahalina.
V
Kaya tayo na’t ating ipagtanggol,
Sa mga masamang nais kunin itong
Bayang sinilangan nating Pilipino.
Kaya ilayo at alagaan ito.
No comments:
Post a Comment