Sunday, February 27, 2011

Ang Talambuhay Kong Ito



Ang pagsulat ng sariling talambuhay ay isang paraan ng paggunita sa mga masasaya, malulungkot at mga hindi malilimutang pangyayari sa ating buhay. Ito ay katulad din ng pagsulat ng ating personal na diary. Isinusulat natin sa ating talambuhay ang lahat, simula sa ating kapanganakan. Ang talambuhay ay sumasalamin sa ating buong pagkatao.



Ako at ang aking kapatid

Ako si Alejandra Ete Sanchez, labinlimang taong gulang na nasa Ikatlong antas ng Sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ipinanganak ako noong ika-26 ng Setyembre taong 1995, sa Brgy. Vical,Sta. Lucia,Ilocos Sur. Ang aking pangalan ay hango sa aking lolo; si Alejandro Sanchez, ito ay sa kadahilanang ng ako’y isinilang ay saktong kanya namang araw ng libing.

Ako ay may dalawang butihing kapatid, ito ay sina John Sanchez, edad dalawampu at Emilia Sanchez, edad sampu. Ang aking mga magulang naman ay sina Carmen Sanchez na tubong Bicol at Emilio Sanchez na nagmula naman sa Ilocos Sur.

Ako at ang kapatid ko

Namulat ang aking isipan sa 193 A. Mabini St. Caloocan City. Doon ako nagsimulang magkaroon ng isip. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng mga kaibigan. Dito ko nakilala si Cading na nagging matalik kong kaibigan at kababata. Siya ang malimit kong kalaro at kasundo. Kami ang lagging magkakampi kapag kami’y inaaway ng aking kuya at ng kanyang kuya. Naaalala ko pa ang isang tagpong hinding- hindi ko malilimutan, ito ay nang mahulog ako sa hagdan dahil sa aming paglalaro. Naglalaro kami noon ng habol-habulan. Takbo kami ng takbo, tawa dito tawa doon. Tumakbo si Cading pababa ng hagdan, ako naman ay sumunod sa kanya hindi ko napansin na may naiwang laruan sa hagdan kaya nagdire-diretso ako sa pagtakbo at natapakan ang laruan. Nagpagulong-gulong ako sa hagdan. Umiyak ako ng umiyak dahil sa labis na pagkapahiya at dahil na rin sa pagkaasar ko kay Cading. Hindi ako nakipaglaro kay Cading, ngunit lumipas din ang mga araw at kami ay nagkaayos nang muli. Hindi ko alam kung paano at kailan. Hanggang sa dumating ang araw na nagpaalam sa akin si Cading at sinabing aalis na sila ng kanyang pamilya, lilipat na daw sila ng bahay. Kaya ako’y nalungkot.

Mabilis na lumipas ang mga taon, tumuntong ako sa aking ikalimang kaarawan. Makalipas ang ilang buwan matapos ang aking kaarawan ay nanganak naman ang aking mama, ipinanganak niya ang bunso naming kapatid na si Emilia. Mabilis na lumipas ang panahon sa aming pamilya. Lumipat kami ng bahay sa G. Araneta Ave., Quezon City at doon ako nagsimulang mag-aral.

Class picture namin noong kinder ako

Noong taong 2001, nagsimula ang aking pagiging buhay estudyante. Nag-aral ako sa Rotchna Daycare Center. Noong una ayaw kong pumasok dahil sa natatakot ako sa aking guro, kasi mukhang mataray. Noong unang araw ko sa paaralan ay hindi ako nagpaiwan kay mama, umiiyak ako pag-iniiwan niya ako. Habang tumatagal ang araw ay nasanay na din akong mag-isa sa paaralan. Hinahatid nalang ako ni mama at sinusundo rin pag-uwian na. Sa aking pagiging daycare ay may nakilala akong bata, si Alyssa, kaklase ko siya at naging magkaibigan kame. Lagi kaming magkasama nila mama tuwing uwian. Lagi kaming naglalaro tuwing may bakanteng oras. Naging super close kame. Sa aking pagiging daycare ay marami akong natutunan. Mabilis na lumipas ang panahon, natapos ang pagiging daycare ko at nagkamit ako ng ikatlong karangalan. Aminado ako sa sarili ko na handa na ako para pumasok sa susunod na kabanata ng aking buhay; ang pagiging estudyante sa elementarya.
Nag-aral ako ng unang antas sa tatlong paaralan. Una akong pumasok sa Belmonte Elementary School, sumunod ay  sa San Pablo City, dahil lumipat kami ng bahay  kaya lumipat din kami ng paaralan ng aking kuya. Nag-aral ako sa Mababang Paaralan ng Ambray. Nag-aral naman ang aking kuya sa City High. Bago ako nagtapos sa unang baitang ay lumipat muli kami ng bahay. Lumipat kami sa Ilocos Sur at doon ako nagtapos ng grade 1.
Nang matapos ko ang school year sa Ilocos Sur ay bumalik kami sa San Pablo City. Palipat-lipat ako ng paaralan ng ako’y elementarya palang. Pumasok muli ako sa Ambray ng ikalawang baitang at nagtapos ng may karangalan. Matapos ang isang taon ay bumalik kami ng Ilocos Sur at doon muli kami pumasok ng aking mga kapatid. Tumuntong ako ng ikatlo at ikaapat na baitang sa Sabuanan Elementary School. Nagkamit ako doon ng unang karangalan.
 Matapos ang pag-aaral ko doon ay bumalik muli kami sa San Pablo sa di malamang dahilan. Muli kong nakadaupang palad ang mga kaklase ko noong nasa una at ikalawang baitang pa ako. Muli ko silang nakita at nakasama. May mga bago rin naman akong mga kaklase na nakilala. Ang aking buhay noong nasa ikalimang baitang ako ay lubhang napakasaya. Dito ako nagsimulang magkaroon ng mga crushes. Sa panahon ding ito ako nakaranas ng aking first dance sa isang party. Sa panahon ding ito ako nakatagpo ng isang matalik na kaibigan. Natapos ang taon at mabilis na dumating ang sumunod na siya namang hudyat ng huling taon ko sa elementarya. Pagkatuntong ko sa ikaanim na baitang ay feeling ko ako ay nasa cloud nine. Dahil ito na ang huling taon ko sa pagiging elementarya at sa wkas ay makatutuntong na rin ako ng sekondarya. Dumaan ng mabilis ang panahon at habang papalapit ang araw ng graduation ay napagtanto ko na parang ayaw ko ng matapos pa ang pagiging elementarya. Naisip ko na malalayo ako sa aking mga bagong kaibigan at siguradong panibagong pakikisama na naman ang gagawin ko sa susunod na taon. Hindi ko naman kayang pigilin ang pagtatapos ng taon kaya kailangang enjoyin nalang ang panahon na magkakasama kayong lahat.
Ako kasama ang mga bago kong kaibigan
Natapos ng mabilis ang taon ko sa ikaanim na baitang. Pagkatapos na pagkatapos ng  taon ay naghanap agad kami ng pagpapaenrollan. Nagpaenroll ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS at natanggap naman ako. Napabilang ako sa seksyon ng A. Unang pasok ko sa paaralang iyon ay may nakilala aagad ako si Jhonna. Agad ko siyang nakasundo dahil siguro may mga pagkakapareho kami. Pareho pa kami ng seksyon na kinabibilangan. Kaya magkasabay kaming pumunta sa aming room. Pagkadating naming sa room 32 ay dumating naman ang isang teacher na lalaki. Nagpakilala ito na adviser ng I- Science, siya ay si Mr. Anderson Mission. Sinabi niya na magpapaexam siya sa amin dahil kulang pa daw ng labinglima ang estudyante ng I- Science. Agad na sinimulan ang exam ang iba ay pinalabas dahil ang mga grado nila ay hindi papasa para sa Science section. Kami ni Jhonna ay napasama sa mga mag-eexam na estudyante. Simula palang ay ayoko nang mapabilang sa section ng Science, ito ay sa kadahilanang siguradong madami at mahirap ang mga gawain dito. Pagkatapos na pagkatapos ng exam ay pinauwi na kami para mag-ayos ng mga gamit at para maghanda bukas.
Kinabukasan ay nagbago na ang aking buhay. Napabilang ako sa section ng mga matatalino. Hindi ko mawari kung makakaya ko ba ang lahat ng mga consequences na mapabilang sa seksyong ito. Lumipas ang panahon at nag-eenjoy naman ako sa mga kaklase ko. Nakilala ko sila Shirlyn, Lieva, Kim R, at Ate Den. Naging kaibigan ko sila, napapagsabihan ko sila ng mga sikreto bukod kay Jhonna. Marami rin akong nakilalang mga estudyante sa pangkat ng A. Hindi ko malilimutan ang nangyari sa akin noong ika-23 ng Enero noong nasa unang antas ako ng sekondarya. Nakabangga kami ng wave nila Kim R. sa lake. Pinatawag ang aming mga magulang at pinagalitan kami ng sobra-sobra. Iyak ako ng iyak dahil ako ang sinisisi ni mama sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang mga oras na iyon ay nais ko ng lumipat ng paaralan dahil sa labis na kahihiyang ginawa ko. Mabilis na lumipas ang panahon, nakalimutan na ng mga guro marahil ang nangyaring iyon. Sa pagtatapos ng taon ay nagkamit ako ng karangalan bilang isa sa mga magagaling sa klase.

Ang aking mga kaibigan

Simula na muli ng taon sa pagpasok. Ganun pa rin ang bakasyon ko tila walang pinagkaiba sa mga nauna. Ang pagsisimula ng taon ay parang hindi na rin iba sa lahat. Nagtaka lang ang iba dahil sa biglang pagkawala ni Jhonna. Lumipat na siya sa Quezon. Ayon nawalan na naman ako ng kaibigan. Nag-umpisa ang taon ko na malungkot at nagtapos din ng malungkot.

Ang nagdaang bakasyon kasama ang kamag-anak

Bakasyon na, ngunit para sa akin ay parang napakarami pa ring gawain sa paaralan. Hindi ko ma-eenjoy ang bakasyong ito, iyon ang sabi ko sa sarili ko, ngunit nagkamali ako. Magiging masaya rin pala ang bakasyong ito. Nagkaroon ng kami ng family outing sa bicol. Narefresh ang utak ko. Na-enjoy ko ang buong bakasyon with my family and relatives. Mabilis na natapos ang bakasyon sa akin.

Kasalukuyan kong litrato
Dumating agad ang araw ng paenrollan. Agad akong pumunta ng school at nakita ko ang mga kaklase ko. Nagkita-kita kami at nagkatuksuhan dahil sa aming mga itsura. Dumating ang pasukan. Ang mga guro naming ngayon ay bago at mga batikan na sa kanilang mga larangan. Hindi maikakailang takot ako sa mga gurong ito, ngunit pinagbubuti ko naman ang aking mga ginagawa. Kaya ngayon ito ako at nananatiling nakatayo at patuloy na nag-aaral para makakamit ng bagong karangalan.

No comments:

Post a Comment