Sunday, February 27, 2011

Ang Talambuhay Kong Ito



Ang pagsulat ng sariling talambuhay ay isang paraan ng paggunita sa mga masasaya, malulungkot at mga hindi malilimutang pangyayari sa ating buhay. Ito ay katulad din ng pagsulat ng ating personal na diary. Isinusulat natin sa ating talambuhay ang lahat, simula sa ating kapanganakan. Ang talambuhay ay sumasalamin sa ating buong pagkatao.



Ako at ang aking kapatid

Ako si Alejandra Ete Sanchez, labinlimang taong gulang na nasa Ikatlong antas ng Sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ipinanganak ako noong ika-26 ng Setyembre taong 1995, sa Brgy. Vical,Sta. Lucia,Ilocos Sur. Ang aking pangalan ay hango sa aking lolo; si Alejandro Sanchez, ito ay sa kadahilanang ng ako’y isinilang ay saktong kanya namang araw ng libing.

Ako ay may dalawang butihing kapatid, ito ay sina John Sanchez, edad dalawampu at Emilia Sanchez, edad sampu. Ang aking mga magulang naman ay sina Carmen Sanchez na tubong Bicol at Emilio Sanchez na nagmula naman sa Ilocos Sur.

Ako at ang kapatid ko

Namulat ang aking isipan sa 193 A. Mabini St. Caloocan City. Doon ako nagsimulang magkaroon ng isip. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng mga kaibigan. Dito ko nakilala si Cading na nagging matalik kong kaibigan at kababata. Siya ang malimit kong kalaro at kasundo. Kami ang lagging magkakampi kapag kami’y inaaway ng aking kuya at ng kanyang kuya. Naaalala ko pa ang isang tagpong hinding- hindi ko malilimutan, ito ay nang mahulog ako sa hagdan dahil sa aming paglalaro. Naglalaro kami noon ng habol-habulan. Takbo kami ng takbo, tawa dito tawa doon. Tumakbo si Cading pababa ng hagdan, ako naman ay sumunod sa kanya hindi ko napansin na may naiwang laruan sa hagdan kaya nagdire-diretso ako sa pagtakbo at natapakan ang laruan. Nagpagulong-gulong ako sa hagdan. Umiyak ako ng umiyak dahil sa labis na pagkapahiya at dahil na rin sa pagkaasar ko kay Cading. Hindi ako nakipaglaro kay Cading, ngunit lumipas din ang mga araw at kami ay nagkaayos nang muli. Hindi ko alam kung paano at kailan. Hanggang sa dumating ang araw na nagpaalam sa akin si Cading at sinabing aalis na sila ng kanyang pamilya, lilipat na daw sila ng bahay. Kaya ako’y nalungkot.

Mabilis na lumipas ang mga taon, tumuntong ako sa aking ikalimang kaarawan. Makalipas ang ilang buwan matapos ang aking kaarawan ay nanganak naman ang aking mama, ipinanganak niya ang bunso naming kapatid na si Emilia. Mabilis na lumipas ang panahon sa aming pamilya. Lumipat kami ng bahay sa G. Araneta Ave., Quezon City at doon ako nagsimulang mag-aral.

Class picture namin noong kinder ako

Noong taong 2001, nagsimula ang aking pagiging buhay estudyante. Nag-aral ako sa Rotchna Daycare Center. Noong una ayaw kong pumasok dahil sa natatakot ako sa aking guro, kasi mukhang mataray. Noong unang araw ko sa paaralan ay hindi ako nagpaiwan kay mama, umiiyak ako pag-iniiwan niya ako. Habang tumatagal ang araw ay nasanay na din akong mag-isa sa paaralan. Hinahatid nalang ako ni mama at sinusundo rin pag-uwian na. Sa aking pagiging daycare ay may nakilala akong bata, si Alyssa, kaklase ko siya at naging magkaibigan kame. Lagi kaming magkasama nila mama tuwing uwian. Lagi kaming naglalaro tuwing may bakanteng oras. Naging super close kame. Sa aking pagiging daycare ay marami akong natutunan. Mabilis na lumipas ang panahon, natapos ang pagiging daycare ko at nagkamit ako ng ikatlong karangalan. Aminado ako sa sarili ko na handa na ako para pumasok sa susunod na kabanata ng aking buhay; ang pagiging estudyante sa elementarya.
Nag-aral ako ng unang antas sa tatlong paaralan. Una akong pumasok sa Belmonte Elementary School, sumunod ay  sa San Pablo City, dahil lumipat kami ng bahay  kaya lumipat din kami ng paaralan ng aking kuya. Nag-aral ako sa Mababang Paaralan ng Ambray. Nag-aral naman ang aking kuya sa City High. Bago ako nagtapos sa unang baitang ay lumipat muli kami ng bahay. Lumipat kami sa Ilocos Sur at doon ako nagtapos ng grade 1.
Nang matapos ko ang school year sa Ilocos Sur ay bumalik kami sa San Pablo City. Palipat-lipat ako ng paaralan ng ako’y elementarya palang. Pumasok muli ako sa Ambray ng ikalawang baitang at nagtapos ng may karangalan. Matapos ang isang taon ay bumalik kami ng Ilocos Sur at doon muli kami pumasok ng aking mga kapatid. Tumuntong ako ng ikatlo at ikaapat na baitang sa Sabuanan Elementary School. Nagkamit ako doon ng unang karangalan.
 Matapos ang pag-aaral ko doon ay bumalik muli kami sa San Pablo sa di malamang dahilan. Muli kong nakadaupang palad ang mga kaklase ko noong nasa una at ikalawang baitang pa ako. Muli ko silang nakita at nakasama. May mga bago rin naman akong mga kaklase na nakilala. Ang aking buhay noong nasa ikalimang baitang ako ay lubhang napakasaya. Dito ako nagsimulang magkaroon ng mga crushes. Sa panahon ding ito ako nakaranas ng aking first dance sa isang party. Sa panahon ding ito ako nakatagpo ng isang matalik na kaibigan. Natapos ang taon at mabilis na dumating ang sumunod na siya namang hudyat ng huling taon ko sa elementarya. Pagkatuntong ko sa ikaanim na baitang ay feeling ko ako ay nasa cloud nine. Dahil ito na ang huling taon ko sa pagiging elementarya at sa wkas ay makatutuntong na rin ako ng sekondarya. Dumaan ng mabilis ang panahon at habang papalapit ang araw ng graduation ay napagtanto ko na parang ayaw ko ng matapos pa ang pagiging elementarya. Naisip ko na malalayo ako sa aking mga bagong kaibigan at siguradong panibagong pakikisama na naman ang gagawin ko sa susunod na taon. Hindi ko naman kayang pigilin ang pagtatapos ng taon kaya kailangang enjoyin nalang ang panahon na magkakasama kayong lahat.
Ako kasama ang mga bago kong kaibigan
Natapos ng mabilis ang taon ko sa ikaanim na baitang. Pagkatapos na pagkatapos ng  taon ay naghanap agad kami ng pagpapaenrollan. Nagpaenroll ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS at natanggap naman ako. Napabilang ako sa seksyon ng A. Unang pasok ko sa paaralang iyon ay may nakilala aagad ako si Jhonna. Agad ko siyang nakasundo dahil siguro may mga pagkakapareho kami. Pareho pa kami ng seksyon na kinabibilangan. Kaya magkasabay kaming pumunta sa aming room. Pagkadating naming sa room 32 ay dumating naman ang isang teacher na lalaki. Nagpakilala ito na adviser ng I- Science, siya ay si Mr. Anderson Mission. Sinabi niya na magpapaexam siya sa amin dahil kulang pa daw ng labinglima ang estudyante ng I- Science. Agad na sinimulan ang exam ang iba ay pinalabas dahil ang mga grado nila ay hindi papasa para sa Science section. Kami ni Jhonna ay napasama sa mga mag-eexam na estudyante. Simula palang ay ayoko nang mapabilang sa section ng Science, ito ay sa kadahilanang siguradong madami at mahirap ang mga gawain dito. Pagkatapos na pagkatapos ng exam ay pinauwi na kami para mag-ayos ng mga gamit at para maghanda bukas.
Kinabukasan ay nagbago na ang aking buhay. Napabilang ako sa section ng mga matatalino. Hindi ko mawari kung makakaya ko ba ang lahat ng mga consequences na mapabilang sa seksyong ito. Lumipas ang panahon at nag-eenjoy naman ako sa mga kaklase ko. Nakilala ko sila Shirlyn, Lieva, Kim R, at Ate Den. Naging kaibigan ko sila, napapagsabihan ko sila ng mga sikreto bukod kay Jhonna. Marami rin akong nakilalang mga estudyante sa pangkat ng A. Hindi ko malilimutan ang nangyari sa akin noong ika-23 ng Enero noong nasa unang antas ako ng sekondarya. Nakabangga kami ng wave nila Kim R. sa lake. Pinatawag ang aming mga magulang at pinagalitan kami ng sobra-sobra. Iyak ako ng iyak dahil ako ang sinisisi ni mama sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang mga oras na iyon ay nais ko ng lumipat ng paaralan dahil sa labis na kahihiyang ginawa ko. Mabilis na lumipas ang panahon, nakalimutan na ng mga guro marahil ang nangyaring iyon. Sa pagtatapos ng taon ay nagkamit ako ng karangalan bilang isa sa mga magagaling sa klase.

Ang aking mga kaibigan

Simula na muli ng taon sa pagpasok. Ganun pa rin ang bakasyon ko tila walang pinagkaiba sa mga nauna. Ang pagsisimula ng taon ay parang hindi na rin iba sa lahat. Nagtaka lang ang iba dahil sa biglang pagkawala ni Jhonna. Lumipat na siya sa Quezon. Ayon nawalan na naman ako ng kaibigan. Nag-umpisa ang taon ko na malungkot at nagtapos din ng malungkot.

Ang nagdaang bakasyon kasama ang kamag-anak

Bakasyon na, ngunit para sa akin ay parang napakarami pa ring gawain sa paaralan. Hindi ko ma-eenjoy ang bakasyong ito, iyon ang sabi ko sa sarili ko, ngunit nagkamali ako. Magiging masaya rin pala ang bakasyong ito. Nagkaroon ng kami ng family outing sa bicol. Narefresh ang utak ko. Na-enjoy ko ang buong bakasyon with my family and relatives. Mabilis na natapos ang bakasyon sa akin.

Kasalukuyan kong litrato
Dumating agad ang araw ng paenrollan. Agad akong pumunta ng school at nakita ko ang mga kaklase ko. Nagkita-kita kami at nagkatuksuhan dahil sa aming mga itsura. Dumating ang pasukan. Ang mga guro naming ngayon ay bago at mga batikan na sa kanilang mga larangan. Hindi maikakailang takot ako sa mga gurong ito, ngunit pinagbubuti ko naman ang aking mga ginagawa. Kaya ngayon ito ako at nananatiling nakatayo at patuloy na nag-aaral para makakamit ng bagong karangalan.

Monday, February 14, 2011

What’s Behind My Blog's Name???

Sometimes words are not just enough to express your whole personality. Words are just instrument to hide the feelings and true personality of an individual. More often words do not tell the truth behind you. Sometimes familiar words are just used to describe one’s personality.
Common words are used by fellow students in describing their selves. They are used to have impact to the people and also for the easy reminding.
It was one late Thursday afternoon when we had our last subject: our computer class. We are going to spend the rest of the two hours remaining in this subject. It was when Mr. Dennis Lacsam announced our project for the whole grading period. And that was to do our very own Personal BLOG. He announced that we are going to think of our own title of our personal blog. He gave us the whole period to think of the words that may reflect our personality. At first, I don’t have any idea on what I’m going to do. I don’t know what to write. I don’t know what reflects my personality. But then I tried so many words but those words are all appealing too boring and to nerdy.
It was when my friend shouted “Alice in Wonderland” I realized why it can’t be “Alie in Cyberland” it sounds funny and interesting to my ears. My blog’s name means I’m here to discover the wonderful world of technology. So the idea of having my blog’s name came thru all the way from the film “Alice in Wonderland”.

Percy Jackson and the Lightning Thief

 


Lightning Bolt of Zeus
Nawawala ang “lightning bolt” ni Zeus; ang pinakamalakas na bolt sa lahat. Pinatawag niya ang kanyang kapatid na si Poseidon; ang Hari ng buong Karagatan. Nagkita sila sa tuktok ng Empire State Building sa Newyork. Sa kanilang pag-uusap ay pinagbibintangan ni Zeus na ninakaw ng anak ni Poseidon na si Percy Jackson ang lightning bolt na ito. Si Percy Jackson ay isang binata sa edad na labing pito, siya ay may sakit na “dyslexia” at ADHD. Sa pag-uusap ng magkapatid, binalaan ni Zeus si Poseidon na kapag hindi naibalik ang bolt sa loob ng labing-apat na araw ay magsisimula siya ng away sa pagitan nilang magkapatid. Iyon lang ang pinag-usapan ng dalawa at bumalik na si Zeus sa Mount Olympus.

Sa Yancy Academy habang nagtuturo ang substitute English teacher na si Ms. Dots ay tinawag niya si Percy Jackson upang tanungin kung naintindihan ba nito ang isang linya mula sa akda ni William Shakespeare na Othello. Sinabi ni Percy na hindi daw niya ito naunawaan at humingi ng paumanhin sa guro. Nagpatuloy na sa pagtuturo si Ms. Dots. Nagkatinginan naman si Percy at ang kanyang “protector” at matalik na kaibigan na si Grover Underwood. Maya-maya ay natapos na ang klase at nagsiuwian na ang lahat.

Pagdating sa bahay ni Percy naabutan niya ang kanyang inang si Sally na namamalantsa ng mga damit. Kinamusta ni Sally ang araw ni Percy. Ang tanging naisagot ni Percy ay katulad pa rin  ng dati. Sinabii din ni Percy na lalong lumalala ang kanyang sakit na “dyslexia”. Nasa ganitong pag-uusap ang mag-ina ng dumating ang amain ni Percy na si Gabe Ugliano. Inutusan ni Gabe si Sally na ikuha siya ng serbesa sa kanilang refrigerator. Agad naming tumalima si Sally s autos ni Gabe. Sa pagbalik ni sally sa kanyang ginagawa ay tinapik ni Gabe ang likurang bahagi ng katawan ni Sally. Dahil ditto nainsulto si Percy at kinompronta si Gabe. Kaya nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa pagitan ni Percy at ni Gabe.

Fury
Kinabukasan nagpunta sa museum sila Percy at ang kanyang mga kamag-aaral kasama rin sina Ms. Dots. Habng nagtuturo si Mr. Brunner ng tungkol sa “Greek Mythology” napansin niyang si Percy ay nagkikinig lang ng mga kanta sa kanyang cellphone. Tinawag niya ito at tinanong kung ano ang tawag sa mga anak na mortal ng mga diyos. Mabilis naming sumagot si Percy ng demigod. Humingi ng halimbawa  si Mr. Brunner, ito ay sina Archilles, Hercules at Perseus. Makalipas ang ilang minuto tinawag ni Ms. Dots si Percy sa loob ng isang silid. Mabilis naming sumunod si Percy at nagtanong kung may ginawa ba siyang kasalanan. Hindi sumasagot si Ms. Dots hanggang sa paglingon ni Percy nakita niya si Ms. Dots sa isang mataas na kisame na nakatayo. Hindi makapaliwanag si Percy sa sumunod na pangyayari, nagging isang mabagsik na halimaw si Ms. Dots. Agad siyang sinugod ni Ms. Dots at hinahanapan siya ng “lightning bolt” ni Zeus. Hindi naman alam ni Percy ang mga sinasabi ni Ms. Dots kaya nagsisigaw siya. Narinig ito ni Mr. Brunner at ni Grover kaya nagmamadali nilang hinanap ang pinaggagalingan. Napunta sila sa kwarto kung saan naroon si Percy at Ms. Dots. Agad na binalaan ni Mr. Brunner si Ms. Dots na ibaba si Percy dahil kung hindi ay pagpipira-pirasuhin niya ito. Natakot marahil si Ms. Dots kaya ibinaba niya si Percy at nagmamadaling lumabas sa bintana. Naging hysterical naman si Percy dahil sa mga nasaksihan, hindi niya alam kung nananaginip ito. Kinalma ni Percy ang kanyang sarili. Kinausap naman ni Mr. Brunner si Grover tungkol sa nangyari. Inutusan ni Mr. Brunner si Grover na iuwi na si Percy at sabihin kay Sally ang mga nangyari. Binilin din ni Mr. Brunner na dalhin ang mag-ina sa Camp Half-Blood dahil sila ay ligtas doon hanggang maayos ang problema sa bolt. Bago umalis sila Percy ay binigyan ni Mr. Brunner si Percy ng isang ballpen na maaari nitong gamitin sa oras ng panganib. Laking pagtataka ni Percy kung bakit siya binigyan ng isang ballpen ni Mr. Brunner, hindi na siya nakapagtanong kung para saan ito dahil sa nagmamadali na sila.
Gabe Ugliano
Nang makarating na sila sa bahay nila Percy agad na hinanap ni Grover si Sally upang kausapin tungkol sa paglipat nilang mag-ina sa Camp Half-Blood. Ipinaliwanag din ni Grover ang mga nangyari at agad naman itong naintindihan ni Sally. Nagmamadali na silang umalis patungo ng kampo.

Habang nasa daan ang tatlo papuntang kampo ay ipinaliwanag ni Sally na hindi ordinaryong tao si Percy siya ay isang “demigod” o anak ng mga diyos. Siya ay anak ni Poseidon kaya may pambihira siyang kakayahan na makatagal sa ilalim ng tubig sa loob ng pitong minuto. Noong una ay hindi ito maintindihan ni Percy, marami siyang mga tanong kung bakit hinda agad ito ipinaalam sa kanya. Ipinaliwanag ni Sally na para ito sa kanyang kapakanan upang hindi siya masaktan. Nang malapit na sila sa Camp Half-Blood inatake sila ng isang ‘minotaur” hinahanap din nito marahil ang makapangyarihang bolt. Agad namang naghubad ng pantalon si Grover. Tinanong ni Percy kung bakit niya ito ginagawa, ang tanging sagot ni Grover ay ginagawa lang niya ang kanyang trabaho at iyon ay ang protektahan sila. Makalipas ang ilang sandali ay tumambad sa kanila ang kalahating kambing nitong mga paa. Tumakbo silang tatlo ng mabilis upang maging ligtas mula sa “minotaur”. Ngunit pagdating nila sa kampo ay hindi makapasok si Sally dahil siya ay purong mortal. Kaya nakuha ito ng “minotaur” agad namang lumabas si Percy sa kampo upang tulungan ang kanyang ina. Hindi niya malaman ang gagawin kaya sinigawan siya ni Grover na pindutin ang ballpen na ibinigay kanina ni Mr. Brunner. Agad itong ginawa ni Percy kaya laking gulat niya ng Makita ang isang espada. Nang aatakehin na ni Percy ang “minotaur” ay bigla namang nawala si Sally, inakala nila na patay na ito. Dahil sa galit ni Percy ay buong lakas niyang pinatay ang “minotaur”. Dahil sa kapaguran at pagkabigla sa mga nangyari ay agad naman siyang nahimatay.

 
Percy at Camp Half-Blood
Nakalipas ang tatlong araw at nagkamalay tao na si Percy. Nalaman niya na anak siya ni Poseidon at siya ang pinagbibintangang nagnakaw ng bolt ni Zeus. Nalaman rin niya na si Grover ay isang satyr at si Mr. Brunner ay isang centaur na kilala bilang Chiron. Sinabi ni Chiron na magtungo si Percy sa Mount Olympus at kumbinsihin si Zeus na wala siyang kasalanan. Nagsimula ang training ni Percy at nakilala niya ang iba pang demigods tulad ni Annabeth Chase na anak ni Athena at si Luke Castellan na anak ni Yournis. Kinagabihan pagkatapos ng training ay binisita si Percy ni Hades; kapatid din ni Zeus. Sinabi ni Hades na buhay pa si Sally at kasama niya ito sa Underworld. Dahil sa nais ni Percy na maibalik ang kanyang ina ay sinuway niya ang utos ni Chiron. Pupunta sa Underworld si Percy, ngunit nahuli si Percy ni Annabeth at Grover at nagdeklarang sasama ang mga ito. Pinuntahan nila si Luke upang humingi ng impormasyon kung paano makakapunta sa Underworld, binigyan naman ni Luke si Percy ng mapa na nagpapakita sa tatlong perlas ni Persephone para makalabas ng Underworld. Binigyan din ni Luke si Percy ng sapatos na lumilipad at ng shield.
Medusa
Naglakbay na ang tatlo at ang una nilang destinasyon ay sa Auntie Em’s Garden Emporium. Nakaharap nila si Medusa at natalo ito. Nakuha nila ang unang perlas sa bracelet na suot suot nito. Ang ulo ni Medusa ay dinala nila para sa iba pang paggagamitan. Ang ikalawa nilang pinuntahan ay ang Parthenon sa Nashville nakalagay ang perlas sa tuktok ng ulo ni Athena. Makalipas ang ilang sandali ay nakuha na nila ito at may kinaharap na hydra na natalo naman ni Percy sa pamamagitan ng paggamit niya ng kanyang espesyal na kapangyarihan. Ang ikatlong perlas ay nasa isang casino sa Las Vegas sa Lotus Eaters. Nawalan sila ng kontrol sa kanilang sarili dahil sa kinain nila. Tumagal ito ng limang araw pagkatapos nilang makuha ang ikatlong perlas ay dumiretso sila sa Hollywood kung nasaan ang Underworld.


Underworld

             Nakaharap nila si Hades at si Persephone. Nakita ni Hades ang bolt na nakatago sa shield ni Percy. Pinatulog naman ni Persephone si Hades at ibinigay ang bolt kay Percy para makatakas sila. Dahil tatlo lang ang perlas nagpaiwan nalang si Grover para makalabas sila Percy, Annabeth at Sally. Napunta ang tatlo sa Empire State Building upang ibalik ang bolt kay Zeus. Ngunit inatake sila ni luke para pigilan ang pagbabalik sa bolt. Natalo naman ito ni Percy kaya naibalik sa oras ang bolt. Pinahintulutan ni Zeus na makausap ni Poseidon si Percy sa maikling oras. Nagtapos ang istorya sa Camp Half-Blood na nakabalik si Grover sa at nagkaroon na ng maliit na sungay, na nangangahulugang siya ay naging isang tagapagtanggol ng kapwa "demigod".


Be Responsible Enough!!!

We are all human beings; we are the superior among the other creatures. Being the superior, we have the highest intelligence among them. We have the ability to speak, to write, to dance, to sing, to play, and to do more great things than the other creatures. We have our mind to analyze the good deeds and the bad ones from each other.
                Being included in the 21st century, or the so called “The Modern World or The Techie Generation”, we are all familiar about internet and all of those interactive websites like twitters, face books, friendsters, multiplies and blogs. But we should always put in our mind that having those interactive sites we have responsibilities to do. We should be responsible enough because, those interactive sites are always visited by the people not only in Philippines but it’s all over the world.
Me, having one of those interactive sites I set rules and regulations for me to follow and always put on my mind in order for me to be a good netizen. First of all is to select and choose the right kind of words that I will use in sharing my ideas. I set this rule so that I can’t insult and offend someone’s pride, ego and principles. I also set this rule because I do believe that if I respect other’s principles they will also respect mine. It is also because respect to others means you also respect yourself.
Secondly is to secure my passwords in those of the interactive sites. It is mainly because I always want and I always value the term PRIVACY, even though it is a site for everyone. And I don’t want my account to be blocked and hacked.
And lastly is DISCIPLINE. You should always start discipline in yourself so that you may not offend others.
So, being one of a responsible netizen you should also set rules and regulations in yourself. You should always learn to be open-minded especially nowadays.

Virus sa CLDDMNHS


Simula na naman ang taon ng pasukan sa buong bansa. Siguradong maraming mga estudyante ang nagkalat sa iba’t-ibang panig ng paaralan sa buong bansa. Lalo na sa isang paaralan sa San Pablo City, Laguna ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o ang CLDDMNHS. Ang iba sa  mga estudyante dito ay dati nang magkakakilala, tulad ng tatlumpu’t-tatlong piling estudyante na nabibilang sa pangkat ng III- Science.
                Sampu lamang sa tatlumpu’t-tatlong estudyanteng ito ang mga lalaki, ito ay sina Aerrol, Darwin, Mark Joseph, Fausto, Alvin, Xyriz, Jomar, Zeus, Paul at si Gemar. Habang dalawampu’t-tatlo ang mga babae na sina Kristelle, Camille, Jean, Joanna, Sam, Kim B., Shelo, Marian, Loida, Lykka, Lieva, Sarah, Denise, Jade, Shirlyn, Justine, Aira, Khryss, Recy, Janielle, Kim R., Alie at Honey.
Ang pangkat ng Science ang sinasabing “Cream of the Crop” ng bawat year level. Sila ang sinasabing mga matatalino o yung "nerds" na tinatawag. Ngunit ang hindi nila alam ay may natatago din naman silang mga kakulitan.
 Isang araw habang walang klase ang pangkat na ito, nagyaya ang kanilang presidente sa klase na si Alie. Nagyaya siyang maglaro sa oval ng paltok bola. Ang sumama sa paglalaro ay ang kanyang mga kabarkada na sina Shelo, Lieva, at Camille, isama na din natin sila Recy, Jade, Sarah, Khryss at Kim B. Ang iba naman ay sumunod sa oval upang magcheer, manuod at magpahangin. Pagdating sa oval ng mga estudyateng ito ay agad silang nagsimula sa paglalaro upang hindi umano masayang ang oras ng kanilang pagsasaya. Nag-umpisa na ang laro ang magkakasagpi ay sina Sarah, Alie, Recy at Jade samantalang sa kabilang grupo ay sina Camille, Lieva, Shelo. Kim B. at Khryss. Ang unang tumaya ay ang grupo nila Shelo. Makalipas ang ilang sandali ay lumapit ang sampu nilang mga kamag-aral na lalaki. Nagtanong si Fausto kung maaari ba silang sumali. Pumayag ang mga babae ngunit sa isang kundisyon, iyon ay ang mauuna ay girls. Sa ganitong pag-uusap ay nagkasundo ang dalawang grupo. Hindi nila namalayan ang oras, naglaro sila at nag-enjoy. Maya-maya pagod na ang lahat kaya’t napagpasyahan nila na mamahinga na. Ang mga naglaro ay namahinga sa oval samantalang ang mga nagcheer at nanuod ay bumalik na sa room. Maya-maya ay tumunog na ang pang-alas singkong bell sa Mayor's Office. Tatayo na sana ang mga naglaro ng biglang sumigaw si Shelo,"AAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!!!". Nabahala ang lahat kaya agad itong pinuntahan ng mga kasama. Nagsilapitan ang lahat kay Shelo. "Hoy Shelo anong nangyari sayo? para kang nakakita ng multo diyan ah",ang sabi ni Darwin. "Ah eh... hay naku!!! wala tara na nga at tayo ay umuwi na", ang sagot naman ni Shelo. At nagpatuloy na nga ang lahat sa paglalakad pabalik sa kanilang room.
Habang naglalakad ay inusisa ni Lieva si Shelo. Tinanong nito kung ano ba talaga ang nangyari, nag-aalangan namang sumagot si Shelo, ngunit kinalaunan din ay nagkwento na ito. Sinabi nito na may malamig siyang naramdaman at may biglang humawak sa kanyang kamay na sobrang lamig. Mayroon din umanong tumawag ng pangalan niya na sinasabing lumapit siya sa isa sa mga goal ng soccer. Wala umano siyang maisip na gawin upang makaagaw ng atensyon ng kanyang mga kasama kaya sumigaw na lang siya. Hindi nga naniniwala si Lieva sa sinasabi ni Shelo kaya nagpigil ito paghagalpak sa tawa. Nakarating na sila ng kanilang room kaya’t naggayak agad sila pauwi ng kani-kanilang mga bahay.
Kinabukasan naging usap-usapan na sa klase ang paglalaro ng paltok bola. Ang mga lalaki ay naghahamon ng rematch, hindi naman ito inurungan ng mga babae. Kaya’t kinahapunan ay naglaro muli sila.
   Mag-aalas kwatro na ng hapon ng maisipan ng mga estudyante na magpahinga na at bumalik na sa silid-aralan. Ngunit nagpaiwan naman sila Alie, Lieva, Shelo at Camille sa oval. Makalipas ang tatlumpung minuto nila sa oval ay naisipan na nilang bumalik sa kanilang silid-aralan. Ngunit bigla namang nagdilim ang kanilang paligid, napansin nilang huminto ang lahat ng tao sa palibot nila. Namangha sila sa nangyayari, ngunit kinalaunan ay natakot sila sa isang boses na hindi nila alam kung saan nagmumula. Sinasabi ng boses na ito na lumapit sila sa principal’s office. Hindi nila ito sinunod dahil sa takot. Nahulaan naman ng boses na ito na natatakot sila, kaya’t sinabi ng boses na wala silamg dapat na ipag-alala dahil sila ay ligtas sa mga panahong iyon.
Hindi kalauna’y lumapit na rin ang apat sa principal’s office. Nagulat sila ng may biglang lumabas na mukha sa pinto ng opisina. Nagsigawan ang apat na babae. Tumawa naman ang mukha sa pinto, kaya’t nagtaka ang apat na babae. Ipinaliwanag ng mukha sa pinto na isa siyang sugo mula sa hinaharap at ang pangalan niya ay Mikko. Sinabi niya na siya ay naandito upang magbigay ng babala sa kanilang apat. Dahil umano ang apat na babaeng ito ang hahanap ng bakuna laban sa sakit na maaaring dumapo sa mga estudysnte ng CLDDMNHS sa buwan ng Disyembre. Laking pagkagulat ang nakita sa mga mukha ni Alie, Shelo, Lieva at Camille. Hindi makapaniwala ang mga babae sa naririnig nila mula sa itinuturing na bagong kaibigan. Makalipas ang sampung minuto ay bumalik na ang lahat sa ayos. Naglalakad nang muli ang mga tao at humuhuni na ang mga ibon. Nagkatinginan naman sila Shelo at Alie waring nagtatanong kung panaginip lang ang nangyayari. Ngunit sa loob-loob nila ay totoo iyon dahil hindi lang sila ang nakarinig ng mga sinabi ni Mikko ngunit, maging sila Lieva at Camille.
Tumunog na ang pang-alas singkong bell kaya’t nagkayayaan nang umuwi ang apat. Habang nasa daan ay hindi nila malimutan ang wirdong nangyari kanina. Nagtatanong sila sa bawat isa kung totoo ba iyon. Sinabi naman ni Camille na kalimutan nalang ang lahat at huwag na huwag ng banggitin kahit kanino. At iyon nga ang ginawa ng magkakabarkada.

Makalipas ang pitong buwan, ay may kumakalat na isang malakas na virus sa paaralan ng CLDDMNHS. Maraming mga eksperto ang pinatatawag mula pa sa ibang panig ng bansa. Hindi nila matukoy kung ano ang pinagmulan ng virus na ito. Hanggang sa maungkat sa isipan nila Camille, Shelo, Alie at Lieva ang nangyari at paalala  ni Mikko na inaakala nilang hindi totoo. Agad silang pumunta sa may opisina ng principal upang kausapin si Mikko, ngunit hindi naman nila ito mahagilap. Nagpatuloy sila sa pakikipag-usap sa tapat ng pinto upang lumabas si Mikko, datapwa at nabigo sila. Nag-usap sila ng masinsinan, plinagplanuhan ang maaaring gawin upang hindi na kumalat pa ang naturang virus. Maya-maya ay humintong muli ang mga tao sa paligid nilang apat, an ibig sabihin noon ay kakausapin sila ni Mikko. Agad namang nagyaya si Lieva sa opisina ng prinsipal.  Hindi nga sila nagkakamali naandun si Mikko at naghihintay sa kanila. Sinabi ni Mikko na mayroon lamang silang labing-apat na araw upang sugpuin ang virus. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang apat, tinanong nila si Mikko kung ano ang maaari nilang gawin. Ang tanging naisagot ni Mikko ay mag-ipon ng pawis ng bawat isa  upang maipanglinis sa bawat classroom at nang madisenfect.

Agad na tumalima ang apat at nag-anunsyo na tungkol dito. Hindi makapaniwala ang lahat sa anunsyong ito. Kahit hindi sila makapaniwala ay inobliga pa rin sila tungkol dito. Nag-ipon sila ng pawis ng bawat kabataan. Nagkagulo ang bawat kabataan at ang iba ay nagkakasakit dahil sa baho ng mga pawis na inipon ng bawat mag-aaral.

Makalipas ang labingtatlong araw  ng pag-iipon ng pawis ng bawat estudyante ay sa awa naman ng mahabaging Panginon ay nakaipon sila ng sapat na pawis na kinakailangan upang madisenffect ang kumalat na virus sa CLDDMNHS. Dinagdagan din nila ang naturang pawis ng chlorine upang lalong bumisa ang katangian nitong makadisenffect ng mga virus.

Nakalipas ang isang buwan at ang mga eksperto ay pumnuta sa CLDDMNHS upang pag-aralan ang kumlat n virus dito. Napag-alaman ng mga eksperto na ang sanhi ng kumalat na virus ay ang kumalat na mikrobyo mula sa ama s tinapay at nahaluan pa ito ng pwis ng mga kabataang naglalaro sa oval.
Accepting the award


               Nagdaan ang mga taon, sila Lieva, Alie, Shelo at  Camille ay nagwaran ng pangulo ng award na " Best Active and Intellegent Students at CLDDMNHS Award ". Ang apat na estudyanteng ito ay naging tanyag sa buong paaralan maging sa buong mundo.

Ganda at Yaman ng Bayan: Pahalagahan

               
                              I
Boracay
Isang karangalan, maglingkod sa bayan,
Ang ako’y mamatay sa isang bakbakan.
Magdalawang-isip ay hindi gagawin,
Nang mapaalis ang mga umaangkin.
                     II

Bayan ko’y mayaman, sa tubig, sa lupa’t,
Sa mga mineral at hayop sa gubat.
Magagandang lugar, mga lawa’t dagat
Gayundin sa mga halaman sa gubat.
                                 III
Magagandang lugar, atin na’t pasyalan,
Libutin ang ganda at yaman ng bayan.
Ngunit sa paglibot nitong ating bayan,
Atin ding ingatan at pangalagaan.
                                 IV
Tubbataha Reef
Yaring bayan ko ay napakarikit,

Parang isang perlas na kaibig-ibig.
Ito ang bayan na tunay ang gayuma.
Maraming dayuhan ang nahahalina.
                                 V
Kaya tayo na’t ating ipagtanggol,
Sa mga masamang nais kunin itong
Bayang sinilangan nating Pilipino.
Kaya ilayo at alagaan ito.




Saturday, February 12, 2011

Ang Magkatandem sa Buhay




Friends forever

Ang tunay na kaibigan at pagkakaibigan ay tumatagal panghabangbuhay habang ang mundong ating ginagalawan ay patuloy sa kanyang pag-inog.
Laging magkaugnay ang salitang magkaibigan at pagkakaibigan. Kumbaga lagi silang partner o tandem. Ngunit para sa ating mga kabataan ano ba ang ating pakahulugan sa dalawang salitang ito.
Ang kaibigang tunay ay mahirap mahanap sa panahon ngayong humaharap ang lahat sa kahirapan at krisis. Hindi natin alam kung kanino tayo magtitiwala. Ngunit alam ba ninyong ang mga taong ito ay nabubunggo na natin ng hindi natin alam. Nakakasalamuha na pala natin sa ating pang araw-araw na buhay ngunit hindi lang natin alam na sila na pala ang mga taong dadamay sa atin sa oras na kailanganin natin sila. May mga pagkakataon namang  akala mo’y pagka sungit-sungit yun pala ay may natatagong kabaitan sa loob ng kanyang puso.
Alam ba ninyong ang kaibigan ay hindi hinahanap, sa halip pagkakataon mismo ang humahanap nito para sa atin. Kusa itong dumarating at dumadamay sa mga oras ng kagipitan, kalungkutan, problema at sa panahong akala mo’y nag-iisa ka dito sa mundong ibabaw at pasan-pasan ang problema ng lahat ng tao sa mundo. Sila ang mga taong karaniwan mong nakakasama at nakakasalamuha. Sila ang tipo ng taong iniingatan ka, pinahahalagahan at tinatanggap ka sa kung ano man ang tunay mong pagkatao. Handa sila sa lahat ng bagay at oras na kailanganin ang tulong nila, at sa mga oras ng iyong pagbabago. Sila rin ang mga taong nagpapaligay at nagpapatawa sayo sa oras na ikaw ay nalulungkot.


Ang samahan na unti-unting nabubuo sa pagitan ninyong magkakaibigan ay tinatawag na pagkakaibigan. Unti-unti itong umuusbong at lumalago sa mga oras na kayo ay magkakasama at nagkakaroon ng panahong magbonding. Ang pagsasamahang ito ay lalo pang pinatitibay ng mga pagsubok na inyong nalalampasan ng sama sama. At ang mga pagsubok na inyong nalampasan ay nagpapatubay ng pundasyon ninyo upang lalo pang tumagal ang samahan ng bawat isa sa inyo.

Ganyan ang pakahulugan naming mga kabataan sa salitang kaibigan at pagkakaibigan. Ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga magkakakilalang tao sa mundong ibabaw na kung saan kayo ay nagkakaintindihan at nagkakaunawaan sa bawat problema ninyo sa buhay.